Mga Anyong Lupa
Mga Ibat-ibang Anyo ng Lupa
Kapatagan (plains)
Bundok (mountain)
Bulkan (volcano)
Burol (hill)
Lambak (valley)
Baybayin (coast)
Pulo (island)
Bulubundukin (mountain range)
Yungib (cave)
Talampas (plateau)
Tangway (peninsula)
------------------000000----------------
Sa agham pangmundo at heolohiya, ang anyong lupa o pisikal na katangian ay binubuo ng isang heomorpolikal na yunit, at kadalasang nagkakaroon ng kahulugan sa kanyang anyo sa ibabaw at lokasyon sa tanawin, bilang bahagi ng kalupaan, at dahil sa katangiang iyon, kinakatawan ang isang elemento ng topograpiya. Kabilang din sa anyong lupa ang tanawing dagat at katangian ng mga bahagi ng tubig sa karagatan katulad ng look, tangway, dagat at iba pa, kabilang ang mga kalupaang nasa tubig, katulad ng bulubundukin at bulkang nakalubog, at malalaking palanggana ng karagatan na nasa ilalim ng manipis na tubig, para sa buong daigdig lalawigan at dominyo ito ng heolohiya.
Ilan sa mga anyong lupa ang mga sumusunod:
- Kapatagan — isang lugar kung saan walang pagtaas o pagbaba ng lupa, patag at pantay ang lupa rito. Maaaring itong taniman ng mga palay,mais,at gulay. Halimbawa: Kapatagan ng Gitnang Luzon
- Bundok — isang pagtaas ng lupa sa daigdig, may matatarik na bahagi at hamak na mas mataas kaysa sa burol. hal.Bundok Banahaw, Bundok Apo.
- Bulkan — isang uri ng bundok sa daigdig na kung saan ang tunaw na bato ay maaaring lumabas dito mula sa kailaliman ng daigdig. May dalawang uri ng bulkan, una ang tinatawag na tahimik na kung saan matagal na hindi ito sumasabog, tulad ng Bulkang Makiling na matatagpuan sa lalawigan ng Laguna; at ang ikalawang uri naman ay aktibo na kung saan maaari itong sumabog anumang oras. Mapanganib ang ganitong bulkan. Maaari itong sumabog at magbuga ng kumukulong putik at abo. Halimbawa nito ay ang Bulkang Pinatubo.
- Burol — higit na mas mababa ito kaysa sa bundok at ang halimbawa nito ay ang tanyag na Chocolate Hills ng Bohol sa Pilipinas. Pabilog ang hugis nito at tinutubuan ng mga luntiang damo sa panahon ng tag-ulan at kung tag-araw ay nagiging kulay tsokolate.
- Lambak — isang kapatagan ngunit napaliligiran ng mga bundok. Marami ring mga produkto tulad ng gulay, tabako, mani, mais, at palay ang maaaring itanim dito.
- Talampas — patag na anyong lupa sa mataas na lugar. Maganda ring taniman
- Baybayin — bahagi ng lupa na malapit sa tabing dagat
- Bulubundukin — matataas at matatarik na bundok na magkakadikit at sunud-sunod.
- Pulo — mga lupain na napalilibutan ng tubig.
- Tangway — pahaba at nakausling anyong lupa na naliligiran ng tubig.
- Tangos — mas maliit sa tangway.
- Disyerto — mainit na anyong lupa
- kapuluan — mga grupo ng iba't ibang pulo
----------------000000----------------
ANG AKING KONKLUSYON TUNGKOL SA ANYONG LUPA
Ang artikulong ito ay tungkol sa lupa bilang isang materyal na sumusuporta sa halaman ang artikulong ito. Para sa artikulong anyong lupa na tungkol sa mga anyo ng lupa o Daigdig para sa planeta.
Maaaring tumukoy ang katawagang lupa sa:
- Lupa, isang materyal na sumusuporta sa halaman;
- Anyong lupa, isang heomorpolikal na yunit;
- Daigdig, ang planeta;
- Kalupaan, ang pangatlo o patayong dimensiyon ng ibabaw ng lupa;
- Lupa (pagmamay-ari), isang lupain may nag-aari;
- Teritoryo, isang lupang tirahan at nasasakupan ng isang estado;
- Bansa, isang pampolitika na entidad;
- Lupa (klasikong elemento), isa sa apat na klasikong elemento.
TUNGKOL SA HEOGRAPIYA NG PILIPINAS
1. Teorya ukol sa pinagmulan ng Pilipinas
- Noong unang panahon ay ang mga nakatira sa daigdig ay mga higante, dahil sa sila’y nagpapagalingan, isang araw, dalawang higante ang naglaban at isa sa higante ay napatay at natumba ng patagilid, nang tumagal tagal ay unti unting naging lupa ang higante. Nagsilbing ulo nito ang Luzon, tiyan ang Visayas, paa’t hita ang Mindanao.

2- Ang pangalan na aking nagustuhan ay ang Ma-Yi, itinaguri itong mga mangangalakal na Hapones at Chino na Bundok ng mga ginto, dahil sa totoo ay maraming likas na yaman ang bansa kaya maraming mangangalakal at bansa at nagkaroon ng interes na makuha ang Pilipinas.
3- Mahalagang pag aralan ang kasaysayan para lubusan nating malaman ang lahat ng mga mahahalagang pangyayaring nagdaan bago ang kasalukuyan. Mabigyan halaga ang anga mga taong nagbuwis ng kanilang buhay para sa kalayaan ng bansa, magsilbing gabay para sa mga nagnanais mamuno para maging mahalintulad ang kanilang pamumuno sa mga dating namuno sa bansa.
Ang Pambansang Teritiryo ng Pilipinas
- Ang Pilipinas ay tinatayang nasa 4°23° - 21°30 hilagang latitude at 116° - 127 ° silangang longhitude.
- Ang Pilipinas ay tinatayang nasa 4°23° - 21°30 hilagang latitude at 116° - 127 ° silangang longhitude.
- Ang kabuoang sukat ng Pilipinas ay 300,780 kilometro kwadrado at ang coastline ay 34,600 kilometro.
- Merong 7,107 isla ang Pilipinas ngunit 2,773 pa lamang ang may opisyal na panagalan.
-Nahahati ang Pilipinas sa tatlong dibisyon ng isla, ang Luzon na siyang may pinakamalaking sukat na umaabot 105,092 kilometro kwadrado, Visayas na nasa gitnang Pilipinas at; ang Mindanao na may sukat na 94,996 kilometro kwadrado.
-Ang Pilipinas ay halos kasinlaki ng Itali at mas malawak ng kaunti kumpara sa United Kingdom ng Great Britain at Northern Ireland.
ANG ASYA BILANG PINAKAMALAKING KONTINENTE
Ang Asya ang pinakamalaking kontinente at sumasaklaw sa humigit-kumulang na ikatlong bahagi ng mundo. Ang kontinenteng ito ay ang pinakamalaking lupalop sa buong mundo at tinaguriang isa sa pinagsibulan ng mga dakilang Kabihasnan na nagpabago at humubog sa kaisipan at paniniwala ng mga tao sa daigdig nating ito.Ilan sa mga kilalang kabihasnan na nagmula dito sa Asya ay ang kabihasnang Tsina,India, Mesopotamia, Persia at kabihasnang Armaiko na may dalawang sangay-ang Israel at arabo. Sa Asya rin matatagpuan ang Karagatang Indian, Dagat Timog Tsina (ang pinakamalaking dagat sa mundo), Karagatang Pasipiko at Karagatang Artiko. Ang Europa ang kadikit nitong continente na pinaghiwalay lang ng mga hangganan ng kabundukan ng URAL, Dagat ng caspian,Itim na dagat at ng kabundukan ng Cawkasus. Ang Suez Canal naman ang siyang hangganan nito bago dumating sa bansang Ehipto ng kontinenteng Aprika. Sa dami ng mga pangkat ng lahi ng mga tao, ang Asya pa rin ang nangunguna at patuloy na yumayabong sa paglabas nito patungo sa iba pang mga bansa at pagdagsa din dito ng mga ibang lahi ng tao mula sa kontinente ng Europa, Amerika at Afrika.

MGA ANYONG LUPA SA ASYA:
1. Banaue Rice Terraces (Philippines)
2. Mount Everest (Nepal)
3. Bali Island (Indonesia)
4. Komodo Island (Indonesia)
5. Mt. Mayon (Philippines)
6. Taal Volcano (Philippines)
7. East Rift Valley (Taiwan)
8. Mt. Taishan (China)
9. Mt. Annapurna (Nepal)
10. K2 (Pakistan)
11. Mt. Bromo (Indonesia)
12. Mt. Hallasan (South Korea)
13. Mt. Aso (Japan)
14. Mt. Pinatubo (Philippines)
15. Mt. Fuji (Japan)
KAHALAGAHAN NG ANYONG LUPA - Ang lupa ay isang pangkalahatang kataga para sa materyal na nasa ibabaw ng daigdig, sumusuporta sa paglago ng mga halaman at nagsisilbing tirahan para sa buhay ng mga hayop mula sa pinakamaliit na mga mikroorganismo hanggang sa maliliit na hayop. Mahalaga ang lupa sa lahat ng buhay sa mundo dahit sinusuporta nito ang paglago ng mga halaman, na nagbibigay ng pagkain at oksihena at hinihigop ang carbon dioxide.
Mahalaga ang mga anyong lupa sapagkat ito ay nagbibigay ng hanapbuhay sa mga asyano, dahil sa mga ito dumadami ang mgaturistang pumupunta sa bansang
Asia at sa mga bansang sakop nito. Dito tayo nag tatanim kung kaya"t ito rin ang isa sa
mga pinagkukunan natin ng pagkain. Kung wala ang mga ito ang mga asyano ay unti-
unting mauubos. Ngunit sa panahong ito kakaonti nalang ang mga taong nangangalag
asa mga ito.
Mapangangalagan natin ang anyong lupa sa pamamagitan ng pag tatanim ng maraming mga halaman at ang hindi pagkakalbo sa mga kapunuan.At sumali na rin samga organisasyon na ang mga layon ay ang pangangalaga sa mga ANYONG LUPA tulad ng mgabulubundukin, burol at maramipang iba.
Bakit Dapat Pangalagaan
Ang Anyong Lupa?
ANG mga gawain ng tao ay sumisira sa magandang kapaligiran ng ating planeta ngayon higit kailanman. Habang lalong nakababahala ang banta ng mga problemang gaya ng pag-init ng globo, pinag-iibayo naman ng mga siyentipiko, pamahalaan, at mga grupo sa iba’t ibang industriya ang kanilang pagsisikap na lutasin ang problema.
May pananagutan ba tayo bilang mga indibiduwal na tumulong sa pangangalaga sa kapaligiran? Kung gayon, gaano kalaki ang ating pananagutan? Nagbibigay ang Bibliya ng mabubuting dahilan kung bakit dapat tayong mag-ingat na ang ating mga ginagawa ay hindi makasira sa lupa. Tinutulungan din tayo nito na maging timbang sa ating mga pagsisikap.
***********************************************************
-->"SUCCESS DEPENDS ON THE SECOND LETTER." :)
#Thank You For Reading!
presentation by - JADE C. MARIANO
Slotyro Casino New Jersey - Mapyro
ReplyDeleteSlotyro 오산 출장샵 Casino 충청북도 출장샵 New Jersey 군산 출장안마 - 광주 출장마사지 Mapyro 전라남도 출장샵